Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Kasong Murder isinampa sa 4 kataong itinuturong suspek sa pagpatay kay Fr. Tentorio


(Kidapawan City/ February 24, 2012) ---Sinampahan na ng kasong murder ng National Bureau of Investigation (NBI),ang apat na kala­lakihan na isinangkot sa pagpatay sa Italian missionary na si Fausto Tentorio, sa Provincial Prosecutor ng Kidapawan City, North Cotabato.

Kinumpirma ni NBI officer-in-charge Nonnatus Caesar Rojas, sa ginanap na news conference, ang pagsasampa ng kaso laban kina Jose Sultan Sampulna, Dima Maligudan Sampulna, Robert Ato, at Jimmy Ato.


Isinama rin sa reklamo ang ilang “John Does” na nakipagsabwatan sa pagpaslang kay Tentorio.
Ang mga respondent ay isasailalim umano sa preliminary investigation, pagkatapos na isumite ng NBI ang kanilang rekomendasyon sa provincial prosecutor noong nakalipas na Pebrero 14.

Magugunita na si Tentorio, 59, ay pinaslang noong kung saannakalipas na Oktubre 17 ng mga suspek na riding-in-tandem, binaril ng dalawang beses sa ulo ang pari na papasakay na sa kanyang kotse na nasa loob ng Our Lady of Perpetual Help Parish compound sa Arakan, Cotabato.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento