Written by: Rhoderick Beñez
(Kabacan, North Cotabato/February 19, 2012) ---Nilooban ng sampung di pa nakilalang mga armadong kalalakihan ang isang Duck Raising Business sa Prk. 6 Brgy. Osias, Kabacan Cotabato dakong alas 11:00 ng gabi nitong Sabado.
Ayon sa may-ari na si Welfredo Sequita Jr., residente ng Mapanao St., ng nabanggit na bayan pinasok umano ng mga armadong kalalakihan na may dalang anim na short fire arms na kalibre .45 at dalawang long fire arms na M16
ang kanyang negosyo.Natangay ng mga ito ang limang cellphones, 32 tray ng mga itlog, kalahating sako ng mais at isang unit ng bisekleta.
Matapos maisakatuparan ang masamang balakin ay agad namang tumakas ang mga salarin papalayo sa di malamang direksiyon.
Kaugnay nito, isang tawag ang natanggap ng Kabacan PNP mula sa Brgy Lower Paatan na nasa lugar diumano angmga magnanakaw.
Kaya agad namang pinuntahan ng mga pulis ang erya sa pangunguna ni SPO4 Enrique Cadiz subalit bigo silang mahuli angmga salarin.
Agad namang inatasanni Kabacan Mayor George Tan ang pulisya na magsagawa ng pagpapatrol sa mga lugar sa bayan kungsaan madalas nangyayari angmga kahalintulad na insedente. (with report from Efrily Lao)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento