Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

46 households sa Kabacan, Positibo sa Aedes Mosquito

Written by: Rhoderick Beñez


(Kabacan, North Cotabato/February 24, 2012) ---Positibo ang aptnapu’t anim (46) na mga pamilya sa bayan ng Kabacan sa Aedes Mosquitos, itinuturing ng mga eksperto na carrier o nagdadala ng sakit na dengue at malaria.

Ito ang napag-alaman mula kay Kabacan Sanitary Inspector Naga Sarip, Jr., sa isinagawa nilang Random Larvae Sampling kahapon sa ilang mga piling lugar sa bayan ng Kabacan.


Katuwang ng Kabacan Rural Health Unit sa pangunguna ni Dr. Edu Sofronio ang Regional Office Malaria team sa isinagawang aktibidad.

Ginawa ang random larvae sampling sa mga endemic places ng Pobalacion na natukoy kabilang na dito ang mga sumusunod:  Sinamar 1, Villanueva subd., at Purok Maharlika kung saan naging positibo ang 46 na kabahayan out of 100 households. 

Ayon pa kay Sarip, ang Edis Mosquitoes ay ang carrier ng dengue virus at naninirahan ang mga ito sa mga containers na may lamang clean and stagnant water na tumagal nang 7 araw.

Dagdag pa niya na isa ang Dengue prevention and control ay isa sa mga programang isinusulong ng Dept. of Health upang mabawasan ang kaso ng dengue sa ating bansa. (with report from Vanea Delfa Cuenca)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento