(Kabacan, North Cotabato/February 24, 2012) ---Dahil na-konsensiya ang kaibigan ng mga magnanakaw, isinuplong sila nito sa mga awtoridad sa bayan ng Kabacan.
Isang bakla ang nagtungo sa himpilan ng Kabacan PNP at isinumbong ang nakawang nangyari sa isang boarding house sa Poblacion ng Kabacan, noong Lunes.
Itinuro niya ang isang Dexter at Jeffrey – di nila tunay na mga pangalan – menor de edad, na umano responsable sa pagtangay ng isang laptop, netbook, I-Pod, at dalawang mobile phone.
Tinaya sa P70 thousand ang halaga ng naturang mga gamit na pag-aari umano ng mga mag-aaral ng USM.
Ayon sa report, ang naturang mga gamit noon pang Lunes ng madaling araw tinangay ng mga bata.
Noong araw ding ‘yun ibinenta ng mga suspect ang mga gamit sa isang nagngangalang Ampang na estudyante ng University of Southern Mindanao o USM.
Ang laptop ibinenta kay Ampang sa halagang P4 thousand.
Isang Charlie na estudyante rin ng USM ang umaktong ‘ahente’ ng mga nakaw na gamit.
Ang nakakatuwa, may inisyu pang resibo si Charlie kay ampang sa binili nito’ng laptop.
Subject na ng manhunt ng Kabacan PNP ang umaktong ahente na si Charlie para papanagutin sa nakawang nangyari
0 comments:
Mag-post ng isang Komento