(Kidapawan City/Feb 25, 2012) ---Hindi pa man nakakarating sa kanila ang kautusan ng Prosecution para sagutin ang mga akusasyon, inihahanda na ng tatlo sa mga akusado sa pagpatay sa pari’ng Italyano ang kani-kanilang mga counter-affidavit.
Ayon kay Jun Obello, ang public affairs chief ni Cotabato 2nd district Congresswoman Nancy Catamco, pinaghahandaan na ng abogado nila ang mga ihahayag sa korte.
Si Atty. Christopher Cabilen ang nagsisilbing abogado ni Roberto Ato, ang kapatid ng umano triggerman sa Tentorio killing na si Jimmy Ato.
Nakahanda rin umano si Catamco tulungan ang mag-tiyuhing Jose Sultan Sampulna at Dima Maligudan Sampulna.
Si Jose Sampulna ay professor ng Cotabato Foundation College of Science and Technology sa Arakan, North Cotabato.
Nauna nang nagpasinungaling ang mga Sampulna na sangkot sila sa pagpatay.
Nagkataon lamang daw na napadaan sila sa erya no’ng panahong binaril at pinatay si Father Fausto Tentorio.
Angkas si Professor Sampulna sa motorsiklo na minamaneho noon ng pamangkin na si Dima nang mapadaan sa erya.
At dahil may nakakita sa kanila, pinagdudahan na sila’ng sangkot sa krimen.
Nito’ng linggo’ng ito lang, isinampa na ng National Bureau of Investigation at ng Special Task Group Tentorio ang kasong murder kontra sa magkapatid na Ato at magtiyuhing Sampulna.
Sa apat, tanging si Jimmy Ato lang ang hawak ng NBI
0 comments:
Mag-post ng isang Komento