Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P1K bill na pekeng pera; kumakalat sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/February 27, 2012) ---Muli na namang naglipana ngayon sa bayan ng Kabacan ang ilang mga pekeng pera, ito matapos na mabiktima ang isang 37-anyos na lalaki ng pekeng P1 thousand piso bill na galing umano sa management ng Osias Gallery.


Batay sa report ng Kabacan PNP, kinilala ang biktima na si Marlaw Nieves Molo, nasa tamang edad at residente ng Balindog, Kidapwan Cotabato makaraang nagreklamo tungkol sa isang pekeng pera na kanyang natanggap.
Ang pekeng pera ay may serial number SNGX792212, na ayon sa pulisya ay kapareho din ito sa dating record na pekeng money na kumakalat sa bayan.

Naka-uwi na umano si Molo ng mapansin nitong peke pala ang perang kanyang natanggap.
Kaugnay nito, payo ni P/Supt. Joseph Semillano, hepe ng Kabacan PNP sa publiko, siyasating maigi ang perang ibinibigay, binabayad o isinukli mula sa mga pampublikong lugar kagaya ng palengke.
Ikumpara ang mga security features at texture ng papel sa orihinal na pera.
Kapag may duda na peke ang perang mas mainam na agad na isumbong sa pulisya para mapasuri sa bangko.
Nabatid mula sa mga eksperto na malalaman, kapag peke ang pera kung madali itong mapunit. Maari ring tingnan ang ilang security features nito.
Sa 500 –peso bill, halimbawa, makikita sa kaliwang ibaba ng perang papel ang tatak na 500; kapag ginamitan ng magnifying glass mababasa sa itaas na bahagi ng tatak na 500 ang “Bangko Sentral ng Pilipinas.”
Karamihan sa mga kumakalat ngayon na pekeng pera sa bayan ng Kabacan ay P1,000, P500 at P100 piso bills.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento