Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Dating kapitan sa bayan ng Magpet huli sa pagbebenta ng pekeng gold bar

(Magpet, North Cotabato/March 2, 2012) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad si Danilo Senados, dati’ng kapitan ng Barangay Balite sa bayan ng Magpet, North Cotabato, matapos magbenta ng mga pekeng gold bar.

         
Noong February 21, nagbenta raw si Senados ng pekeng dalawang gold bar at isang white gold bar sa negosyanteng si Sharon Omandac-Diez na residente ng Lomugdang Subdivision, Kidapawan City.
Ayon sa kwento ni Diez, ibinenta ng suspect ang naturang mga gold bar sa halagang P1 million.
         
Nakumbinsi raw si Diez na tunay ang ginto nang ipatingin niya sa isang pawnshop sa Kidapawan City ang isang bahagi ng bar.
         
Kaya’t noong February 22, nagbayad siya ng initial payment na P200 thousand kay Senados.
         
Pero no’ng ibenta na ni Diez ang gold bar sa Rosver Pawnshop, halos hinimatay siya nang malamang peke pala ang ginto.
         
Kinasuhan ni Diez ang suspect.   At noong Feb 23, nadakip ito ng mga awtoridad.

Pero agad din namang nakapag-pyansa sa halagang P40 thousand para sa pansamantala niya’ng paglaya.

Kaya’t payo ng Arakan PNP sa mga nae-engganyo’ng bumili ng gold bar, suriin muna ito ng maraming beses, at ‘wag paloloko, lalo na sa taong tulad ni Senados.

Naniniwala ang mga awtoridad na miyembro ng isang sindikato si Senados.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento