(M’lang, North Cotabato/March 4, 2012) ---Hindi pa rin matanggap ngayon ng mga kamag-anak at maging ng ilang mga malalapit na kaibigan ni M’lang Vice-mayor Bernie Abasques ang pagpanaw niya noong tanghali ng Marso 1, matapos atakehin ng kanyang hypertension.
Ito ang kinumpirma ni M’lang Mayor Joselito Pinol matapos sinabi nitong inatake ng high-blood si Abasquez habang binabaybay ang lubak-lubak na Bansalan-Makilala highway noong gabi ng Miyerkules, habang pauwi ng M’lang.
Kasama niya sa biyahe ang kanyang misis.
Isinugod siya Kidapawan Medical Specialist Center sa Kidapawan City.
Makalipas ang ilang oras na pakikipagbuno kay kamatayan, binawian ito ng buhay, bandang alas-12:45 ng tanghali.
Si vice Mayor Abasques ang pangalawa sa pinakamataas na opisyal ng North Cotabato na namatay dahil sa sakit, nitong taong ito.
Ang una ay si Arakan Mayor Gerardo Tuble na namatay noong unang linggo ng Pebrero matapos ang matagal na pakikipagbuno sa lung cancer. Noong February 25 siya inilibing.
At makalipas ang limang araw, nasundan ito ng pagkamatay ni Abasquez ng M’lang.
Dahil sa pagkamatay ng presiding chair ng M’lang, magiging kapalit niya sa puwesto ang first councilor na si Atty. Russell Abonado, at ang majority Liberal Party na ang pipili sa ilalagay nila sa pang-walong puwesto.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento