(Kidapawan City/March 10, 2012) ---Simula pa noong nakaraang linggo ay nagtuluy-tuloy na ang earthquake preparedness symposium sa iba’t ibang mga paaralan sa Kidapawan City na magkatuwang na isinusulong ng Disaster Risk Reduction Management Council ng Kidapawan City LGU.
Simula noong nakaraang linggo, abot na sa 13 libo na mga elementary pupils, high school at college students ang dumaan sa mga earthquake preparedness training.
Bahagi raw ito ng Disaster Mitigation Plan ng City LGU.
Katuwang ng city LGU sa naturang kampanya ang Philippine Red Cross, Bureau of Fire Protection, at ng Kidapawan City Emergency Response Unit.
Bagama’t walang pangamba na makakarating sa bahagi’ng ito ng Central Mindanao ang mga pagyanig na naganap sa Negros at Masbate, mas maige na’ng naghahanda, ayon sa city LGU.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento