(USM, Kabacan, North Cotabato/March 7, 2012) ---Sa pagpapatibay ng Agricultural Research sa bahaging ito ng Mindanao, isinasagawa ngayon ang Training-Workshop on writing and Presenting Research Results for Scientific and Technical forum at Journal Publication sa USM Hostel, University of Southern Mindanao, Kabacan, Cotabato.
Naging panauhing pandangal sa naturang training forum si Dr. Lily Ann Lando, ang Applied Communication director ng Philippine council for Agriculture and Aquatic Resources research and Development o PCAARRD na nakabase sa University of the Philippines, Los Baños, Laguna.
Ang training seminar ay apat na araw na aktibidad na nagsimula kahapon March 6, at magtatapos sa Friday March 9, 2012.
Layon ng naturang forum, na mas mahasa pa ang kakayahan ng mga researchers ng mga State Universities and Colleges o SUCs na miyembro ng CARRDEC sa Rehiyon 12 sa Journal Articleslalo na sa larangan ng Agrikultura.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento