Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit sa 8 daang mga Illegal na mga kahoy; nakumpiska sa Matalam PNP

(Matalam, North Cotabato/March 5, 2012) ---Bumagsak sa kamay ng pinagsanib na pwersa ng Matalam PNP at CENRO 4B ng Kidapawan City ang abot sa walong daang mga boardft. ng illegal na troso matapos makumpiska sa Highway ng Matalam, kahapon.


Narekober ng mga otoridad ang isang Canter Truck na may plate number MCK 601 na rehistrado sa isang Iluminada Bagsic at residente ng Tuscano St. Poblacion, Matalam Cotabato na naglalaman ng 17 piraso ng kahoy na Tindalo at white Lavan na may volume na 856 board ft. as scale, assessed and measured by the CENRO.

Napag-alamang minamaneho ni Nestor Cagud, 45 anyos at residente ng Purok 5B, Brgy. Abra, Matalam, Cotabato ang nasabing trak kasama ang kanyang helper na si Oriente Bagsic, 34 anyos at residente ng Brgy. Kibia, Matalam, North Cotabato ngunit hindi  sila nahuli dahil tumakas kaagad ang mga ito ng Makita ang mga otoridad.

Tinatayang 27, 680 pesos ang halaga ng mga narekober na mga kahoy. 

Sa ngayon nasa kustudiya na ng CENRO 4B, Kidapawan ang trak at ang mga kahoy para sa proper disposition at imbestigasyon. (Vanea Delfa Cuenca)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento