Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

3 mga establisiemento sa Kabacan; huli ng MENRO dahil sa paggamit pa rin ng mga cellophane

Written by: Rhoderick BeƱez

(Kabacan, North Cotabato/March 8, 2012) ---Tatlong mga establisiemento sa bayan ng Kabacan ang huli ng MENRO sa isinagawa nilang sorpresang operasyon hinggil sa paglabag ng Municipal Ordinance No. 2011-008.

Isa dito ang nasa USM Avenue at dalawa sa palengke.

Ito dahil sa patuloy pa rin na gumagamit ang mga ito ng plastic cellophane.

Kaugnay nito sinabi ni MENRO Officer Jerry Laoagan na kung magpapatuloy pa rin na
magmamatigas ang tatlong mga establisiemento hindi mangingiming ipasara ng LGU ang kanilang negosyo.

Ito dahil sa ang isa sa mga tatlong business establishment ay nasa 2nd offense na kungsaan nagbayad na rin sila ng multa na abot sa P1,000.00.

Kung matatandaan, ang munisipyo ng Kabacan ang kauna-unahang nagpasa ng batas hinggil sa pagreregulate at pagbabawal sa paggamit ng cellophane sa bayan para maiwasan ang lumulubong basura na sanhi ng mga pagbara sa kanal at pag-apaw ng tubig sa mga drainage canal.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento