(Kidapawan city/March 9, 2012) ---Simula ngayong Linggo, magiging extension na ng Mega Market ang bahagi ng City Plaza tuwing Miyerkules at Linggo – ang mga araw na itinuturi’ng na market day sa Kidapawan City, kung saan maaari’ng magtinda ng kanilang mga produkto ang mga magsasaka mula sa iba’t ibang barangay at kalapit-bayan.
Ang plano nagmula mismo kay City Mayor Rodolfo Gantuangco.
Inilatag ng alkalde ang plano makaraang mangyari ang pamamaril sa Swedish national na si Patrick Weneger sa mismong ladlaran sa may Villamarzo Street.
Ayon sa report, may ilang insidente na rin ng pamamaril ang naganap sa ladlaran, simula noong nakaraang taon.
At para matiyak magiging ligtas ang mga nagtitinda sa ladlad, ililipat raw ito sa city plaza.
Ayon kay Rocaya Patadon, ang Mega Market administrator, ngayong Linggo na sisimulan ang paglilipat.
Pero marami ang pumalag sa plano’ng ito.
Ayon sa kanila, hindi sagot sa dumaraming kaso ng insidente ng pamamaril ang paglilipat sa ladlaran sa city plaza.
Tingin nila, magiging ‘eye sore’ sa marami kung ang city plaza gagawin nang extension ng palengke.
Hindi rin, aniya, matitiyak ng Civil Security Unit o CSU na hindi makakapasok sa ladlaran sa city plaza ang mga nagtitinda ng isda tuwing market day.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento