Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) NPA itinuturo’ng suspect sa pagbaril patay sa Filipino-Swedish national sa Kidapawan City;


(Kidapawan city/March 8, 2012) ---Patay on the spot ang apatnapu’t walong taong gulang na Filipino-Swedish national na si Patrick Kon Weneger matapos barilin ng maraming beses ng ‘di pa nakikilalang suspect sa may Villamarzo Street, Kidapawan City, alas-745 ng umaga, kahapon.
         
Ayon sa ilang mga testigo, apat katao – kapwa sakay ng dalawang mga motorsiklo, ang nakasunod kay Weneger habang abala ito sa pamimili ng gulay sa naturang lugar.
         
Isa sa mga suspect ang bumunot ng handgun at binaril sa ulo si Weneger ng dalawang beses.
         
Kahit kargado din si Weneger, di ito nakaganti sa kanyang mga attacker.

Katunayan, maging ang sukbit niya’ng baril tinangay din ng mga suspect.   Ito pa raw ang ginamit para siya tapusin ng mga suspect na agad tumalilis patungo sa labasang bahagi ng Villamarzo Street.
Kung ang Easter Mindanao Command ng Philippine Army ang tatanungin, ang mga rebeldeng New Peoples’ Army o NPA ang nasa likod ng pagpatay kay Weneger.
         
Agad naglabas ng statement si Col. Leopoldo Galon, spokesman ng East-Min Com ng AFP, na ang ganito’ng krimen ay gawain lamang ng NPA.

Wala namang statement na inilalabas ang NPA patungkol sa naturang kaso.
         
Si Weneger ang pangalawa sa mga biktima ng summary execution sa Kidapawan City nito’ng linggo’ng ito lang.
         
Noong Lunes ng gabi, patay din sa pamamaril ang 42-taong gulang na si Damaso Adame habang naglalakad sa may Talisay Street.

Blangko rin ang PNP sa pagkakilanlan sa may gawa ng naturang krimen.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento