Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga gamit sa isang Boarding House sa Kabacan swak sa kawatan

(Kabacan, North Cotabato/March 7, 2012) ---Natangay ng mga di pa nakilalang mga kawatan ang isang Net Book, 3 unit ng Nokia cell phone, 2 unit ng china phone, 3 pantalon at isang Fuma Bag na naglalaman ng mahahalagang bagay sa isang boarding House sa Rio Grande St., Poblacion, Kabacan, Cotabato dakong alas 3:00 ng madaling araw kanina.

Ito batay sa report ng Kabacan PNP, makaraang inireport ito ng mga biktima na kinilalang sina Ryan Mark Golez, 19, estudyante ng USM at residente ng Bayan ng Pikit North Cotabato at isang Rowel Delos Reyes, 22, isang Utility Worker ng USM at residente ng Pigcawayan North Cotabato.
Pinasok umano ang boarding house na kanilang tinutuluyan dakong alas 3:00 ng madaling araw kanina habang mahimbing na natutulog ang dalawa.

Nagulat na lamang ang mga ito ng malaman na wala na ang kanilang mga gamit.

Kung matatandaan, simula nitong nakaraang buwan ay sunod sunod ang naitalang insedente ng nakawan dito sa bayan ng Kabacan kung kaya’t ang paalala ngayon ng Kabacan PNP ay tiyaking nakatago ang mga gamit partikular ang mga laptops at maging mapagmatayag matapos ang mataas na kaso ng nakawan ng laptop sa bayan ng Kabacan.

1 komento:

  1. grabeh na tlga ang mga kawatan jan..maawa naman sana sila,pinaghihirapan din yang ninanakaw nila.Sana lang mahuli sila ng ating magigiting na mga kapulisan.

    TumugonBurahin