Written by: Rhoderick BeƱez
(Kabacan, North Cotabato/March 8, 2012) ---Sa ikalimang pagkakataon ay pinawalang sala ni Judge Laureano Alzate ng Regional Trial Court branch 22, Kabacan ang isang Bai Tarhata Panday sa kasong paglabag sa section 15, Article III ng Republic Act No. 6425 o mas kilala sa Dangerous Drugs Act of 1972.
Ito dahil sa di pagkilala ng mga pulis ang sachet ng shabu na diumano’y binenta ni Panday sa buyer sa halagang P200.00.
Si Panday ay hinuli ng mga pulis noong March 17, 2001 sa Public Terminal ng Matalam, Cotabato.
Sabi ni Judge Alzate, hindi napatunayan ng taga-usig ang pagkakasala ni Panday beyond reasonable doubt kaya pinawalang sala.
Samantala, isang doctor na tubong Kabacan, North Cotabato ang kauna-unahang nagsagawa sa Pilipinas ng Transcatheter Aortic Valve Implantation noong nakaraang February 15, 2012 sa St. Luke’s Medical Center-Global city sa lungsod ng Makati.
Ito ay sa katauhan ni Dr. Ferdinand Alzate, isang interventional cardiologist na tubong Kabacan at anak ni Judge Laureano Alzate.
Ang nakababatang Alzate ay nagtapos ng kanyang pag-aaral sa elementarya sa Kabacan Pilot Elementary School at sa Pio Del Pilar High School sa Makati ay nag-aral ng medisina sa sa Far Eastern University.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento