Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

15 katao na sangkot sa madugong jail attack sa Kidapawan City kinasuhan na

(Kidapawan City/March 9, 2012) ---Labing lima sa may 30 na mga sinasabing nasa likod ng madugong jail attack sa Kidapawan City ang kinasuhan na ng multiple murder at multiple frustrated murder.

      
Nanguna sa pagsasampa ng kaso, bandang alas-tres ng hapon, kanina, ang Criminal Investigation and Detection Team o CIDT-North Cotabato.
Ayon kay Inspector Edwin Lacostales, deputy chief ng CIDT-North Cotabato, tatlo sa mga kinasuhan ang kinilala na ng mga testigo.
      
Ang mga ito ay sinasabing mga tauhan ni Datukan Montok Samad alias Lastikman at karamihan sa kanila taga-Pikit, North Cotabato, kung saan nagkukuta ang naturang grupo.
      
Gayunman, tumanggi si Lacostales kilalanin ang mga kinasuhan hangga’t ‘di pa inilalabas ng korte ang mga arrest warrant ng mga ito.
       
SAMANTALA, nananatili pa rin sa city jail ang high-profile inmate na si Lastikman at 16 pang iba.
      
 Hanggang sa ngayon ay di pa naglalabas ng desisyon ang korte sa Midsayap kung pagbibigyan ang petisyon na mailipat sa Bicutan Jail ang naturang mga preso.
      
Ang madugong jail attack nagresulta sa pagkamatay ng tatlo katao at pagkakasugat ng 17 iba pa.
      
Plano sana ng mga umatake patakasin mula sa city jail ang kanilang lider na si Lastikman pero nabigo ang mga ito.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento