Written by: Rhoderick BeƱez
Patuloy ngayon ang ginagawang gravelling at rehabilitation sa ilang mga provincial road sa bayan ng Kabacan.
Ito ayon kay ABC Pres at Brgy. Poblacion Kapitan Herlo Guzman Jr. kungsaan ang nasabing proyekto ay pinangungunahan ng provincial government ng Cotabato sa pamumuno ni Cotabato Governor Emmylou Lala TaliƱo Mendoza.
Kabilang sa mga barangay na inaayos ngayon ay ang kalsda papuntang brgy. Cuyapon, Lower Paatan, Aringay, Bannawag at Bangilan.
Samantala, abot naman sa 267 na mga indibidwal ang nabiyayaan ng outreach program na isinagawa ng Provincial Governmant ng North Cotabato sa Brgy. Cuyapon kamakalawa.
Ayon kay Guzman, ang nasabing programa ay pinangunahan ng Provincial Health Office kungsaan inihayag ni Focal Person on Health Jessie Ined na kabilang sa medical mission na kanilang isinagawa ay ang libreng gupit, tuli o circumcision, dental mission at iba pang mga medical na serbisyo at pagbibigay ng libreng gamot.
Ang nasabing programa ay sa pakikipagtulungan din ng Artillery mula sa 602nd Brigade na pinangunahan ni Cpt. Christian Agonos, Sangguniang Bayan kasama si councilor Jonathan Tabara at sa pamumuno ni Cotabato governor Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza.
Para naman sa mga taga-Brgy. Cuyapon, isang malaking tulong angnasabing outreach program para sa kanila.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento