Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Cash Card o ATM Card ng mga 4P’s Beneficiaries wala umanong nilalabas na pera


Written by: Ferdinand Ortiza-Miano

(Kabacan, North Cotabato/March 8, 2012) ---Sa isyung wala umanong nilalabas na pera ang mga Cash Cards o ATM card ng mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4P’s Beneficiaries ay Pinabulaanan ng Municipal Advisory Committee o MAC.

Ayon kay Development Officer Emelie Pama ng naturang programa at siya ring tagapangasiwa ng Beneficiary Update System, na kaya wala pa umanong perang nilalabas ang hawak nilang mga Cash cards sa kadahilanang hindi pa nakapaghulog ng pera ang National Government.
Pukol pa nito sa mga benepisyaryo huwag sanang madaliin ang mga perang kanilang makukuha, pasaring din niya na hintayin muna ang Go signal ng Region 12 sa mga Municipal Links na nakatalaga sa bawat munisipyo na maaari na nilang mawidraw ang halagang ipinamumudmod ni P-Noy sa taong bayan.

Sa isinagawang pagpupulong nitong lunes ng mga Municipal Advisory Committees ay hayagang ipinaliwanag ng mga ito ang naturang isyu.

Sa ngayon inaayos na ng mga ito ang mga papeles na kinakailangan ng mga 4P’s Beneficiaries upang mapadali ang proseso ng naturang programa.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento