(M’lang, North Cotabato/March 7, 2012) ---Pormal nang kinilala bilang bagong Bise Mayor sa bayan ng Mlang si 1st Councilor Atty Russel Abonado. Matapos manumpa sa harap ni Judge Arvin Balagot ng Municipal Trial Court sa nabanggit na bayan, kamakalawa ng hapon. Limang araw mula sa pagpanaw ng nayapang Bise Mayor na si Hon Bernie Abasques.
Isinagawa ang panunumpa ni Abonado sa harap ng kanyang pamilya, mga myembro ng konseho, Department Heads ng Mlang LGU, at ni Mlang Mayor Joselito Piñol.
Ayon kay Piñol, malaki ang kanyang paniniwal anmannatili ang matibay na samhan ng ehekutibo at lehislatibong sangay ng kanilang lokal na pamahalaan sa bagong talagang Preciding officer ng Sangunian.
Habang hanggan ngayon, ay hindi pa matansta ng opisyal kung kailan nito pupulungin ang kanilang partido upang matukoy na ang uupo at hahalili sa nabakanteng upuan ni Abonado sa konseho..
Samantala sa iba pang mga balita, isang bahay ang pinasok ng mga di kilalang magnanakaw ng isang empleyado sa Sandawa homes Phase 1, Kidapawan City kamakalawa ng umaga. Ayon sa report ng Kidapawan City PNP, kinilala ang biktima na si Airen Samulde, 32, na isang government employee.
Nilooban ng mga suspek ang bahay sa pamamagitan ng pagsira sa bintana ng kanilang kwarto. Kung saan natangay ng mga magnanakaw ang kanyang Ipad, PSP, sunglass with camera, at iba pang gamit ng biktima na abot sa humigit kumulang 30 libong piso.
Ayon sa biktima, posible aniya na madaling araw pinasok ng mga suspek ang kanyang pamamahay. Wala rin umanong naiwang tao sa bahay ng mangyari ang panloloob at hindi rin napansin ng kanyang mga kapitbahay sa lugar.
Sa ngayon, patuloy na isinasagawa ng mga otoridad ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang may responsible sa krimen.
Anim na mga putok ng baril ang narinig ng ilang mga testigo.
Pinagsabihan pa raw ang isa sa mga tindero na napagbilhan ni Weneger ng gulay na ‘wag nang mag-ingay o pumalag dahil di naman siya ang target.
Ang mga suspect walang suot na helmet o bonnet at agad tumalilis patungo ng labasang bahagi ng ladlaran.
Matinding dalamhati ng pamilya Weneger ang kanilang nararamdaman dahil ngayong araw din ang kaarawan ng isa sa mga anak ng biktima.
Nasa Funos Funeral Homes sa may Barangay Lanao, Kidapawan City dinala ang bangkay
Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng Kidapawan City PNP ang motibo sa pamamaril.
Si Weneger, maliban sa pagiging negosyante, ay sinasabing agent din ng Philippine Army sa North Cotabato.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento