Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Cotelco at TMI lumagda na sa Contract of Signing hinggil sa hiling na dagdag na megawatts ng kooperatiba

Written by: Rhoderick BeƱez

(Kabacan, North Cotabato/March 8, 2012) ---Pumirma na ng contract of signing ang pamunuan ng Cotabato Electric Cooperative, Inc o Cotelco at ang Therma Marine Incorporated o TMI noong Pebrero a-24, ito upang makabili ng karagdagang 8megawatts na dagdag na supply ng kuryente ng Cotelco upang kung di man tuluyang masolusyunan ay maibsan lamang ang napakahabang load curtailment na ipinapatupad sa service erya ng Cotelco dala ng krisis sa enerhiya sa bahaging ito ng Mindanao.

Ito ang sinabi ngayong hapon ni cotelco spokesperson Vincent Lore Baguio, aniya abot kasi sa -98megawatts ang kakulangan sa supply ng kuryente sa Mindanao dahilan kung bakit may mahaba at malawakang pagkawala ng supply ng kuryente sa Mindanao.


Napagkasunduan ng cotelco na kukuha sila sa isang private barge na Therma Marine Incorporated na pinag-mamay-arian ng Aboitiz company ng dagdag na walong megawatts bilang pandagdag na kulang na supply upang maiwasan ang mahabang brown out sa mga service erya nila.

Pero ang nasabing hakbang, ayon kay Kabacan district board director Samuel Dapon ay dadaan pa umano sa Energy Regulatory Commission kaya, aasahan pa rin ang isang oras at dalawampung minute sa umaga at gabi na load curtailment na ipinapatupad ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento