Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Filipino-Swedish national patay sa Pamamaril sa Kidapawan City

(Kidapawan City/March 7, 2012) ---Tadtad ng bala ang tumama sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng Filipino-Swedish national na si Patrick Kon Weneger na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
     
Binaril si Weneger habang bumibili ng mga panindang gulay sa may ladlaran ng Villamarzo Street sa Kidapawan City, bandang alas-745 ng umaga, kanina.
      
Dalawa ang tama nito sa ulo at isa sa dibdib.
      
Nabatid na maging ang baril nito na nakasukbit pa sa kanyang baywang ay tinangay pa ng mga suspect.   Maging ang isa sa mga pitaka nito, kinuha rin ng mga suspect.
      
Ayon sa ilang mga nakasaksi, apat na mga lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo ang lumapit kay Weneger at isa sa mga ito ang bumaril sa biktima.

Anim na mga putok ng baril ang narinig ng ilang mga testigo.
      
Pinagsabihan pa raw ang isa sa mga tindero na napagbilhan ni Weneger ng gulay na ‘wag nang mag-ingay o pumalag dahil di naman siya ang target.
      
Ang mga suspect walang suot na helmet o bonnet at agad tumalilis patungo ng labasang bahagi ng ladlaran.
      
Matinding dalamhati ng pamilya Weneger ang kanilang nararamdaman dahil ngayong araw din ang kaarawan ng isa sa mga anak ng biktima.
Nasa Funos Funeral Homes sa may Barangay Lanao, Kidapawan City dinala ang bangkay
      
Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng Kidapawan City PNP ang motibo sa pamamaril.

Si Weneger, maliban sa pagiging negosyante, ay sinasabing agent din ng Philippine Army sa North Cotabato. 

0 comments:

Mag-post ng isang Komento