Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagtaas ng presyo ng langis; inaangalan ng ilang mga drivers and operators sa bayan ng Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/March 7, 2012) ---Umaangal na ngayon ang ilang mga motorista sa bayan ng Kabacan dahil sa sobrang mahal ng produktong petrolyo na ibinebenta dito.
Kung matatandaan, dalawang magkasunod na pagtaas ng gasolina ang tumambad sa mga motorista noong mga huling lingo ng Penrero. 
Itinaas ng Eastern Petroleum ng P1.00 kada litro ang presyo ng kanilang gasolina at P0.50 kada litro naman sa diesel. 
P1.15 kada litro ng gasolina ang ipinatupad na oil price hike ng Shell at Chevron; habang P0.55 sa kerosene o gaas at P0.50 sa kada litro ng diesel.
Ang paggalaw ng presyo sa world market ang sinasabing dahilan ng panibagong oil price hike.
Sa kabila nito, wala namang nakahaing pagtaas ng pamasahe sa mga nasabing pampublikong sasakyan sa bayan
Ngunit nangangamba ang mga drayber ng motorsiklo dito sa bayan ng Kabacan na kung tataas ang presyo ng krudo ay mapipilitan silang taasan ang pamasahe ng mga pasahero.
Ayon sa isa sa nakapanayam ng DXVL na si Richard Magnahi, isang drayber ng motorsiklo, residente ng Brgy. Osias Kabacan Cotabato, na sa ngayon ay wala pa naman silang balak na taasan ang pamahe ng pasahero, ngunit kung mararamdaman na nila ang bigat ng presyo ng krudo ay baka mapilitan silang inakyat sa Sanggunian ang kanilang kahilingan itaas ang pamasahe.


0 comments:

Mag-post ng isang Komento