Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Bata na naaktuhang nagnanakaw sa isang hardware sa Kidapawan City sugatan matapos mabaril ng gwardiya; gwardiya boluntaryon sumuko sa PNP

(M’lang, North Cotabato/March 2, 2012) ---Boluntaryong sumuko sa Kidapawan City PNP ang 21-taong gulang na gwardiya ng Nagasat Hardware and Construction Supply makaraang mabaril ang isa sa tatlong mga menor-de-edad na lalaki na nagtangkang manloob sa ginagwardiyahan nito’ng establisiemento, alas-9 ng gabi, noong Miyerkules.


Nasa kustodiya ngayon ng PNP si Vicente Ortiz ng Barangay Maligaya, Kidapawan City.

Ayon kay Ortiz, nakaramdam siya na may nangyayari’ng kakaiba sa kanyang palibot nang makarinig ng isang pito o taghoy mula sa isang lalaki na nakatayo, ‘di lamang kalayuan sa hardware.

At nang magka-brownout, nakita niya na tatlong mga bata ang lumapit sa truck na nakaparada sa harap ng kanilang hardware.  

Tinangka raw ng mga bata na nakawin ang baterya ng truck.  

Nang ‘di nila mabitbit ang baterya, tinangay ng mga ito ang bisikleta na pag-aari ni Ortiz.

Sinigawan pa raw niya ang isa sa mga suspect para tumigil pero nagpatuloy sila sa pagtakas, gamit ang bisikleta ng gwardiya.  

Kaya’t napilitan siya’ng barilin ang bata.   
         
Sa may bandang likod tinamaan ang bata na tumagos sa kanyang dbdib at agad isinugod sa Madonna General Hospital, habang ang isa pang bata nahuli sa ginawa nila’ng pursuit operations.
         
Ang naturang bata agad itinurn-over sa drop-in center ng City Social Welfare and Development Office sa may Barangay Singao.
         
Ang isa pang bata, nakatakas.

Di pa batid kung masasampahan ng kaso ang gwardiya’ng si Ortiz na nagsabi’ng ginawa lamang daw niya ang nararapat nang tangkang pagnakawan ng mga bata ang establisiemento na kanyang pinagtatrabahuan.
         

0 comments:

Mag-post ng isang Komento