Written by: Anthony Henilo
(Kabacan, Cotabato/February 23, 2012) ---Nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng University of Southern Mindanao o USM Red Cross chapter sa pangunguna ng kanilang adviser na si Rafael Abellera sa mga naulilang pamilya ni Benny Balmediano.
Nasawi si Balmediano habang kinukuha ang mga sugatan sa pagsabog sa may Molos videoke House noong linggo ng gabi matapos ang nangyaring grenade blasts at Jail Attack sa Kidapawan City.
Sinabi ni Abellera na ikinalulungkot nila ang naturang pangyayari.
At isa itong malaking dagok para sa kanila lalo pa’t rumesponde lamang si Baldemiano upang kumuha nang nasugatan sa nangyaring insedente jail attack.
Kaugnay nito, hinikaya’t ngayon ni Abellera ang lahat ng mga Red Cross Volunters at alumni dito sa bayan ng Kabacan na plano nilang pumunta sa lamay ng biktima sa gabi ng Pebrero a-24 upang makidalamhati at makiramay sa pagkamatay ng kanilang kasamahan.
Una rito, mariin namang binatikos ng ilang mga kapamilya, kaanak, kaibigan at kasamahan mula sa Philippine National Red Cross ang negatibong post sa isang social networking site hinggil sa pagkamatay ni Balmediano.
Hindi umano makatwiran ang mensahe nito, dahil tungkulin umano nila na iligtas ang buhay ng mga sugatan kahit pa man nalalagay sa balag ng alanganin ang kanilang buhay.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento