Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

MILF wala pang kumento hinggil sa ulat na pag-apruba ni Pnoy sa Muslim Autonomy sa Mindanao

Written by: Rhoderick Beñez


Kung si Moro Islamic Liberation Front o MILF spokesperson Von Al Haq ang tatanungin, wala pang kumento ang MILF hinggil sa ulat na pag-apruba ng Pangulong Benigno Aquino III sa panawagang pagbuo ng isang Muslim Autonomy state sa Mindanao.

Ito ang sinabi ng opisyal sa DXVL – Radyo ng Bayan dahil kasalukuyang nag-uusap pa umano ang gobyerno ng Pilipinas at ang MILF at hindi pa natatapos ang mga mahahalagang isyu tungkol sa problema sa Mindanao.

Iginiit pa nito na dapat ay hintayin muna ang magiging resulta ng pag-uusap.

Bagama’t lingid pa umano sa kaalaman ng opisyal ang nasabing report, inihayag naman nitong “welcome ang lahat ng mga positive initiate” na ginagawa ng gobyerno.
Umaasa naman si Al Haq na magiging maganda ang ginagawang pag-uusap ng dalawang panig.
Kaugnay nito, hinikaya’t din ng opisyal ma-Muslim man o Kristiano na suportahan ang usapang pangkapayaan.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento