(Kidapawan City/February 21, 2012) ---Labing anim pang mga preso sa Kidapawan City Jail ang itinuturing na ‘high-profile’ o ‘high-risk’.
Ibinunyag mismo ito ni City jail warden, Inspector Nimrod Valena, sa ipinatawag na emergency meeting ni City Mayor Rodolfo Gantuangco, ang chairman ng City Peace and Order Council (CPOC) meeting
, kaninang alas-330 ng hapon.
, kaninang alas-330 ng hapon.
Sinabi ni Valena na noon pang nakaraang taon hiniling na nila ang paglilipat sa naturang mga preso, kabilang na si Datukan Samad Lontoc alias Lastikman.
Pero hanggang sa ngayon, wala pa ring tugon ang Supreme Court.
Kaya’t muling iginiit ng CPOC na malipat sa isang secured facility, partikular sa may Bicutan Jail sa Taguig, Metro Manila, ang naturang mga high-risk inmate.
Si Lastikman, isa sa mga preso na binalak itakas ng may 50 armadong lalaki kagabi, ay nahaharap sa iba’t ibang kaso ng extortion, highway robbery, kidnapping-for-ransom, at murder. Sinabi ni Mayor Gantuangco na ang resolusyon ay ipapasa nila sa opisina ni Secretary Leila de Lima ng Department of Justice at ni Secretary Jesse Robredo ng Department of Interior and Local Government.
Umaasa si Gantuangco na mapagbibigyan – sa lalong medaling panahon, ang kanilang kahilingan.
Samantala, iminungkahi rin ng CPOC ang pagtatayo ng panibagong jail facility sa may Kilometer 114 sa Barangay Binoligan, halos 10 kilometro ang layo mula sa sentro ng Kidapawan City, para malayo sa kapahamakan ang mga sibilyan.
Sa ngayon, ang city jail ay katabi ng Bureau of Fire Protection; ang likurang bahagi nito ay city hall; sa tabi ay City Social Welfare Office; ilang metro ang layo ay makikita ang Kidapawan City Pilot Elementary School, ang pinakamalaking public elementary school sa buong lungsod; at sa harap ay mga restaurant at videoke bars.
Sa miting kahapon, hiniling ng CPOC sa Sangguniang Panglungsod na isailalim sa ‘state of calamity’ ang Kidapawan City para magamit ang bahagi ng calamity fund bilang tulong sa mga biktima ng mga pagsabog at pag-atake ng jail.
Ang bawat pamilya ng mga nasawi sa jail attack ay tatanggap ng tig-da-dalawampu’t limang libong piso; habang sasagutin din ng city government ang mga gastusin sa ospital ng mga nasugatan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento