Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

ICRC, kinondena ang tangkang jail break sa Kidapawan City

Written by: Jaymarie Intes


(ICRC/February 22, 2012) ---Nababahala ngayon ang International Committee of the Red Cross (ICRC) matapos masawi ang isa sa mga Philippine Red Cross volunteer habang nasa gitna ng trabaho.

Sa isang kalatas na ipinadala ng ICRC sa DXVL FM-Radyo ng Bayan, nagpaabot ng seryosong pag-alala ang mga ito sa sitwasyon ng kanilang mga volunteer matapos tahasang gumamit ng mga kagamitang nakamamatay ang mga responsableng suspek na nagresulta sa matinding pinsala at
pagkamatay ng ilan sa mga sibilyan at isang Red Cross volunteer noong kamakalawa sa Kidapawan City jail.

Sa ipinadalang report ni ICRC Head of Delegation in the Philippines Jean-Daniel Tauxe sa International committee of the Red Cross, isang improvised explosive device ang iniwan sa lugar at sumabog sanhi ng pagkamatay ng isang volunteer ambulance driver ng grupo na si Benny “Daddy” Balmediano, habang sila ay tumutulong sa mga nasugatang biktima makaraang atakihin ang jail.

Ipinaalaa ng ICRC at PRC sa lahat na ang tahasang paggamit ng mga nakamamatay na kagamitan ay isang paglabag sa basic notions of humanity. Nananawagan din ang ICRC at PRC sa mga responsable sa krimen na bigyang respeto at ang mga rumirespondeng Medical team sa tuwing mayroong emergency, lalung-lalo na ang Red Cross volunteers.

Ayon naman kay PRC Chairman Richard Gordon, isa itong malaking trahedya para sa mga humanitarian worker na siyang nagpapahupa ng paghihirap at pagsagip sa buhay ng mga inosente ang maging biktima ng ganitong bayolente.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento