Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pagpapalawig sa Renewal ng Franchise ng mga tricycle Drivers at Operators sa bayan ng Kabacan; hanggang bukas na lamang

Written by: Rhoderick Beñez


(Kabacan, North Cotabato/February 23, 2012) ---Iginigiit ngayon ng ilang mga tricycle drivers at operators sa bayan ng Kabacan ang pagpapalawig ng renewal sa pagkuha ng kanilang prangkisa.

Bagama’t ang inaprubahan ng Sanggunian ay mula Enero 1 hanggang a-31 lamang, sinabi ngayon ni Secretary to the Sangguniang Bayan Beatriz Maderas na binigyan nila ng palugit hanggang bukas na lamang (Pebrero a-24) na lamang ang extension na walang penalty official receipt at certificate of registration.

Papatawan na ng penalty at surcharge ang mga tricycle drivers kung hindi pa sila makapag-renew ng kanilang prangkisa bago ang ika-27 ng Pebrero sa taong kasalukuyan, ayon kay Maderas.

Sinabi pa ng opisyal na, umaabot sa P800 ang application fee at tumaas na rin sa P550 ang franchising fee. (with report from Jaymarie Intes)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento