Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2nd Gov. Lala Taliño Mendoza Summer Peace Camp; pinaghahandaan na

Written by: Rhoderick Beñez


(Kabacan, North Cotabato/February 20, 2012) ---Ngayon pa lamang ay maaga ng pinaghahandaan ang gagawing 2nd Gov. Lala Taliño Mendoza Summer Peace Camp dito sa bayan ng Kabacan na lalahukan ng lahat ng mga grade 5 pupils mula sa iba’t-ibang paaralang elementarya hindi lamang sa bayan ng Kabacan kundi maging sa buong probisiya.


Ayon sa report, gagawin sa Abril a-12 hanggang a-katorse ang nasabing aktibidad na isasagawa sa Kabacan Pilot elementary School.

Layon ng programa na hubugin ang mga kabataan sa murang edad pa lamang nila ang maging responsableng mamamayan sa lipunan na kanilang ginagalawan kagaya ng paglilinis sa kapaligiran, leadership at paghahanda maging sa sakuna.

Kung matatandaan, isinabak na rin ang mga grade 5 pupils noong nakaraang taon sa nasabing aktibidad at kabilang sa mga itinampok sa summer peace camp ng Kabacan ay ang mahabang patel sa bayan ng Kabacan.

Kaugnay nito, suportado naman ni Kabacan Mayor George Tan ang nasabing programa kungsaan una na ring nagpulong ang mga opisyal hinggil dito na dinaluhan ng iba’t-ibang ahensiya ng LGU sa Cotabato provincial Capitol upang paghandaan ang budget sa 2nd Gov. Lala Taliño Mendoza Summer Peace Camp. (with report from Ferdinand Miano)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento