Written by: Rhoderick Beñez
(Kabacan, North Cotabato/February 13, 2012) Kasado na ang gagawing “Walk for Peace” dito sa bayan ng Kabacan at maging ang seguridad nito sa buong erya ng dadaanan ng nasabing programa na magsisimula alas 5:00 ng umaga bukas.
Sinabi ni P/SSupt. Raul Supiter, deputy Provincial Director for Operation na nailatag na rin nila ang mga inihandang programa, ilang araw pa bago ang gagawing walk for Peace bukas.
Wika pa ni Supiter na isagawa sa araw ng puso ang nasabing programa dahil ito ang panahon kungsaan inaalala ang tungkol sa “Pag-ibig” at lahat umano ay nag-iisip ng “LOVE”.
Giit din ng opisyal na dito sa bayan ng Kabacan ito isasagawa bukas dahil isa ang bayan sa mga lugar na dapat na pagtuunan ng atensiyon dahil na rin sa mga nakaraang kriminalidad at ilan pang mga karahasan na nangyari sa Kabacan.
Ang Walk for Peace ay isa ring commitment hindi lamang ng mga otoridad kundi maging ng mga mamamayan nito sa patuloy na pagpupunyagi ng Peace effort sa bahaging ito ng Mindanao.
Kaugnay nito, ang assembly area o starting point ay sa Shell Gas Station na nasa National Highway, Bonifacio St., at brgy. Osias, Kabacan, Cotabato at magtatagpu ang tatlong grupo sa Kabacan roundball na nasa crossing USM Avenue tuloy-tuloy papasok ng USM Main Campus kungsaan sa DD clemente stage, isasagawa ang proper Program.
Tema ng nasabing programa ang “Cotabateño ako, Kapayapaa’y hangad ko”, kungsaan katuwang din nito ang Provincial government ng North Cotabato sa pamumuno ni Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza, LGU Kabacan sa pangunguna ni Kabacan Mayor George Tan, University of Southern Mindanao, USM Pres Dr. Jesus Antonio Derije at iba pang mga sektor.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento