(February 12, 2012) ---Posible raw maranasan ng taga-North Cotabato ang lindol na tumama sa ilang bahagi ng Visayas nitong Lunes.
Bagama’t mahina raw ang pinsala na idudulot ng lindol dahil matigas ang rock formation at wala ring fault line, mas maige nang naghahanda.
Binabantayan din ng Phivolcs ang mga bayan ng President Roxas at Makilala dahil madalas ang swarming o localized earth movement.
Kaya, ayon sa Phivolcs, mas mahalaga na mapalakas ang information dissemination patungkol sa lindol at sa mga dapat gawin kapag may mga sakuna para iwas-disgrasya.
Sinasabi rin ng Phivolcs na kapag aware ang tao sa dapat nilang gawin, naiiwasan ang pagpa-panic ng mga mamamayan.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento