Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Alkalde ng isang bayan sa North Cotabato; pumanaw na

(Arakan, North Cotabato/February 8, 2012) ----Pumanaw na kahapon si Arakan municipal mayor Gerardo Tuble dahil sa lung cancer.

Bandang tanghali ito binawian ng buhay sa isang ospital sa Davao City.

Ang kamatayan ni Mayor Tuble kinumpirma ng ilang miyembro ng League of Municipal Mayors sa North Cotabato.  
                                                            
Maging sila nagulat din sa balita na kanilang tinanggap at nagpaabot ng pakikidalamhati sa pamilya ni Mayor Tuble at sa mga constituents nito.     
      
Si Tuble, dati’ng bise-alkalde ng Arakan, ay miyembro ng Arakan Valley Development Council Board na binubuo ng limang mga bayan sa ikalawang distrito ng North Cotabato. 
          
Sa ngayon, nagluluksa ang taga-Arakan dahil sa pagkamatay ng kanilang lider.

Si Tuble rin ang ikalawa sa pinaka-importanteng tao sa bayan ng Arakan na nasawi, simula buwan ng Oktubre. 
                                                                            
Ang una ay nang barilin at patayin noong October 17 si Father Fausto Tentorio, PIME.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento