Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

5 mga heavy equipment sinunog ng umano mga NPA sa Kidapawan City


(Kidapawan City/February 11, 2012) ---Limang mga heavy equipment na pag-aari ng isang private construction firm ang sinunog ng umano mga rebeldeng New Peoples’ Army (NPA) sa may Barangay San Roque, Kidapawan City, alas-onse ng tanghali, kahapon.
         
Sa mga equipment, tatlo rito ay heavy dumptruck, isa ang pay loader, at ang isa ay backhoe.
         
Tinaya ng Kidapawan City PNP sa P7 million ang halaga ng mga sinunog na mga sasakyang pag-aari ng Ricardo dela Cruz Interior  Construction (RDCIC).
         
Ayon kay Inspector Rolando Dillera, hepe ng investigation division ng Kidapawan City PNP, anim katao na sakay ng tatlong mga motorsiklo ang pumasok sa erya. 

Armado umano ng dalawang baby armalite, isang UZI, at tatlong caliber 45 pistol ang mga lalaki na nagpakilalang mga NPA.

Bitbit din nila ang tatlong mga galloon ng gasolina na kanilang ginamit para sunugin ang mga sasakyan.
         
Di naman daw ginalaw ng mga suspect ang mga trabahante ng kompanya.

ANG RDCIC ang siya’ng contractor sa nagpapatuloy na road rehabilitation project sa Kidapawan-Makilala highway sa North Cotabato.
         
Nakabase sila sa Barangay Amas sa Kidapawan City.

Duda si Mayor Rodolfo Gantuangco na extortion ang nasa likod ng panununog.  


0 comments:

Mag-post ng isang Komento