(M’lang, North Cotabato/February 8, 2012) ---Posibleng isang child-in-conflict-with law o CICL ang bata’ng binaril at pinatay sa bayan ng M’lang, North Cotabato, kahapon ng madaling araw.
Ayon kay M’lang Mayor Joselito Pinol, edad trese o katorse ang pinatay.
May masking tape ang mukha ng bata at iginapos pa ang kamay at paa nito.
Sinabi ni Pinol na ang mga pagpatay na tulad kanina ay ginagawa lamang sa mga tao’ng may atraso sa batas. At posible’ng ang biktima ay nakagawa ng isang krimen kaya siya ay tinawag na ‘child in conflict with law.’
Pero naniniwala si Pinol na hindi sa ganito’ng paraan maitutuwid ang anumang mali’ng gawa ng mga bata.
Dahil pinatay ang bata, di na raw siya nagkaroon ng pagkakataong magbago.
Ang bata ay binaril muna ng tatlong beses at iniwan sa highway ng Makilala-Tulunan, particular sa Barangay Pag-asa, M’lang ng itim na pickup na agad tumalilis patungo’ng Tulunan-Datu Paglas highway.
Hanggang sa ngayon ay wala pa ring pagkakilanlan sa naturang biktima.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento