(Carmen, North Cotabato/February 7, 2012) ----Isang improvised explosive device o IED na gawa sa 81-mm na mortar ang sumabog sa Carmen-Bukidnon highway, partikular sa Barangay Cadi-is sa bayan ng Carmen, North Cotabato, alas-610 ng umaga, kahapon.
Sumabog ang bomba habang papadaan sa erya ang Rural Transit Bus na may plakang KVS 690 at body number 2930 na biyaheng Cagayan de Oro City patungong Tacurong City, Sultan Kudarat,
Isa katao ang sinasabing nasugatan sa naturang pagsabog.
Kinilala ang nasugatan na si Hazel Digamo, 20, estudyante ng University of Southern Mindanao at tubong Damulog, Bukidnon.
Naniniwala ang mga imbestigador na ang bomba ay para sa Rural Transit Bus at extortion ang sinasabing nasa likod nito.
Ito na ang ikalawang roadside blast na naganap sa highway ng Carmen-Kabacan, simula buwan ng Nobyembre ng nakaraang taon.
Noong Nobyembre, tinamaan din ng IED ang isang bus ng Rural Transit habang papasok ito sa bayan ng Kabacan, N Cotabato, kung saan isa rin ang nasugatan.
Patuloy pa ang mga imbestigador sa pag-alam sa grupo’ng nasa likod ng pagpapasabog.
Noong January 29, pinasabugan ng IED ang transport terminal sa bayan ng Pikit ng grupo’ng Al Khobar.
Extortion din ang sinasabing motibo sa pagpapasabog.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento