Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mga illegal na kahoy nasabat ng Kabacan PNP

Written by: Rhoderick BeƱez


(Kabacan, North Cotabato/February 9, 2012) ---Imbes na sa lumber yard, sa himpilan ng pulisya ang bagsak ng daan daang mga illegal na kahoy na nakumpiska ng mga elemento ng Kabacan PNP ng na-aktuhang ibinababa ito sa isang sasakyan nitong Martes ng hapon sa Poblacion, Kabacan.

Ang nasabing kulay puting elf na may plate number GMU-510 ay lulan ang diumano’y daan-daang mga illegal na mga board feet na kahoy.

Ang nasabing mga troso ay nakumpiska ng mga otoridad sa Poblacion ng Kabacan dakong alas 4:00 ng hapon kahapon habang ibinababa ang mga kahoy sa isang lumber yard na galing pa umano sa isang brgy sa bayan ng Carmen.

Nang siyasatin ng mga otoridad ang dokumento ng may ari hinggil sa nasabing mga kahoy bigo po silang makapagpakita ng kaukulang dokumento.

Ang nasabing sasakyan ay minamaneho ng isang Jeff Pabro Usman, 40-taong gulang at residente ng Poblacion, Kabacan, Cotabato.

Ang naturang sasakyan ay may lulang humigit kumulang sa 500-Board feet ng Illegal na kahoy na galing pa umano sa bayan ng Carmen.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na nakakumpiska ang mga otoridad ng mga illegal na kahoy sa bayan.

Nabatid na talamak pa rin umano sa iba pang lugar sa North Cotabato ang illegal logging na siya naman ngayon mahigpit na ipinag-utos ni Cotabato Governor Emmylou “Lala” TaliƱo Mendoza na tuluyang arestuhin ang gumagawa nito. (with report from Anthony Henilo)


0 comments:

Mag-post ng isang Komento