(February 11, 2012) ---Hindi na sa pamamagitan ng VHF ipapasa ang mga investigation at blotter reports ng mga police units sa buong Region 12.
Ito ay sa pamamagitan na ng internet at sa iba pang mga advanced technology sa reportage.
Ang tawag nila rito ay e-blotter o electronic blotter.
Bago lamang ay inilunsad ng Philippine National Police Regional Office Number 12 ang computerized crime incident
reporting system o ang e-blotter.
reporting system o ang e-blotter.
Sinabi ni Chief Supt. Benjardi Mantele, Region 12 police director, na nito’ng linggo’ng ito ay nag-deploy na sila ng e-blotter software sa iba’t ibang mga police stations sa buong rehiyon.
Sakop ng Region 12 ang mga probinsiya ng South Cotabato, Sultan Kudarat,Sarangani, North Cotabato, at mga lungsod ng General Santos, Koronadal, Tacurong, Kidapawan, at Cotabato.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento