(Makilala, North Cotabato/February 11, 2012) ---Anim katao at mga establisiemento, pawang nakatira sa bayan ng Makilala, ang madalas nagtatapon ng basura sa may highway – isa sa mahigpit na ipinagbabawal ng DENR at ng Makilala LGU.
Kilala na raw sila ng Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO ng Makilala.
Ayon kay MENRO Engineer Walter Ruizo, ipapatawag na sila – anumang araw sa susunod na linggo – para papagpalinawanagin kung bakit sa highway nila itinatapon ang kanilang mga basura.
Sinabi ni Ruizo na may karampatang parusa na naghihintay sa kanila.
Samantala, apat na establisiemento pa ang naaktuhan na nagtatapon ng basura sa may Makilala-Tacurong highway.
Posible, ayon kay Ruizo, ang mga establisiemento’ng ito ang siya’ng responsable sa pagtatapon ng saku-sakong basura sa highway.
Warning ni Ruizo na kapag ‘di tumigil sa ganito’ng gawain ang naturang mga tindahan, posibleng tanggalin ang kani-kanilang mga permit to operate
0 comments:
Mag-post ng isang Komento