Written by: Rhoderick BeƱez
(Kabacan, North Cotabato/February 17, 2012) ---Abot sa 1,372 na mga day care children mula sa 24 na mga barangay ng bayan ng Kabacan ang nabiyayaan na ng papatapos na programa ng pamahalaang nasyunal na supplemental feeding program.
Sinabi sa DXVL –Radyo ng Bayan ni Nutrition Officer Virginia Solomon na nagkakahalaga sa mahigit kumulang sa isang milyon ang inilaang pondo sa pagpapatupad ng nasabing programa.
Bagama’t magtatapos na ang Supplemental Feeding sa darating na Marso a-13 ng taong kasalukuyan, umaasa naman si Solomon na magpapatuloy ang nasabing programa dahil sa malaking tulong nito lalo na sa mga liblib na lugar ng bayan.
Naniniwala ang opisyal na hindi lamang ito supplemental feeding kundi nagsisilbi na ring pantawid pagkain ng mga batang mahihirap.
Layon rin ng programa na mabigyang pansin ang kaso ng mal-nutrisyon dito sa bayan ng Kabacan hinggil sa mga batang mababa ang timbang o malnourish.
Ang nasabing programa ay pinangungunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office sa pakikipagtulungan ng Municipal Health Office at ng Population Division.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento