Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit sa 9 na raang mga estudyante ng USM na hindi pa nakapag-final screening; pinaalalahanan na asikasuhin na ang enrollment hanggang ngayong Biyernes na lamang


(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2012) ---Sinabi ngayong umaga ni USM Vice President for Academic Affairs Dr. Antonio Tacardon na abot sa 988 na mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao ang hindi pa nakapag-final screening para sa kanilang enrollment sa unibersidad.

Ibig sabihin nito, hindi pa officially enrolled ang natukoy na bilang ng mga estudyante o hanggang assessment lamang ang kanilang naiproseso.

Sa kabila nito, sinabi naman ng opisyal na maari lamang tumungo sa opisina ng VPAA ang mga estudyanteng hindi makapag-enroll dahil sa kakulangan ng pera para mabigyan sila ng waiver.

Maari rin umanong magbayad ang mga ito ng kanilang tuition fee na kalahati, basta ang importante ay makapag-enroll ang mga ito hanggan sa araw ng Biyernes November 23.

Samantala, napag-alaman ngayong hapon mula kay USM University Registrar Lucia Cabangbang na may 10,530 na mga officially enrolled ang USM Main campus sa kasalukuyan.

Bumaba na rin as of 3PM ngayong hapon sa 290 na mga estudyante ang hindi pa officially enrolled mula sa mahigit sa 988 kaninang umaga, ayon pa kay Ma’am Cabangbang. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento