(Kidapawan City/November 20, 2012) ---Narekober
ng mga otoridad ang dalawang mga pinaniniwalaang improvised landmines na
nakasilid sa 2 mga malalaking lata sa boundary ng barangay Marbel at Mateo,
Kidapawan City alas 7:00 kaninang umaga.
Ayon kay Supt. Renante Cabico, hepe ng Kidapawan City PNP isang
miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) na nakilalang si
Leonardo Podadera ang nakakita ng nasabing explosives na nakalagay ilang
talampakan lamang ang layo mula sa highway.
Sinabi ng opisyal na nakita umano ng CAFGU ang isang mahabang wire
na tinatayang 70 metro ang haba habang gumagawa ito sa kanyang bukid.
Nang sundan ito ni Podadera, nakita nito ang dalawang malalaking
lata kaya agad niyang ipinagbigay alam sa Army detachment ng Bravo Company ng 57th Infantry
Battalion at sa kalapit na Barangay Gubatan sa bayan ng Magpet.
Agad namang nailagay sa ligtas na kalagayan alas 8:30 kaninang
umaga ang nasabing pampasabog matapos ang ginawang koordinasyon ng PNP sa Explosives
and Ordnance Disposal (EOD) team.
Hindi pa mabatid ng mga otoridad kung ang nasabing landmines ay
planung pasabugan ang military trucks ng 57th IB at Special
Action Forces (SAF) ng Philippine National Police ilang oras matapos itong
dumaan sa lugar sa bayan ng Magpet. (Rhoderick
Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento