(USM, Kabacan, North Cotabato/ November 21,
2012) ---Nababahala kahapon si USM Vice President for Academic Affairs Dr.
Antonio Tacardon sa malaking bilang ng mga mag-aaral ng USM na hindi pa
nakapag-final screening.
Ibig sabihin nito, hindi pa officially
enrolled ang nasabing mga estudyante o hanggang assessment lamang ang kanilang
naiproseso.
Sa kabila nito, sinabi naman ng opisyal na
maari lamang tumungo sa opisina ng VPAA ang mga estudyanteng hindi
makapag-enroll dahil sa kakulangan ng pera para mabigyan sila ng waiver.
Maari rin umanong magbayad ang mga ito ng
kanilang tuition fee na kalahati, basta ang importante ay makapag-enroll ang
mga ito hanggang sa araw ng Biyernes November 23.
Samantala, napag-alaman kahapon ng hapon
mula kay USM University Registrar Lucia Cabangbang na may 10,530 na mga
officially enrolled ang USM Main campus sa kasalukuyan.
Bumaba na rin as of 3PM kahapon sa 290 na
mga estudyante ang hindi pa officially enrolled mula sa mahigit sa 988 kahapon
ng umaga, ayon kay Cabangbang.
Ang USM ay isang primyadong institusyon na
nagbibigay ng dekalidad na edukasyon, ito dahil ang Pamantasan ay isang level
IV State University, at isa sa malaking unibersidad sa bahaging ito ng
Mindanao. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento