Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Panibagong tulak-droga, tiklo ng Kabacan PNP sa isang buybust operation ngayong hapon


(Kabacan, North Cotabato/ November 21, 2012) ---Arestado ng mga elemento ng Kabacan PNP ang isang tulak droga sa National Highway, partikular sa brgy. Katidtuan, Kabacan, Cotabato alas 2:30 ngayong hapon.

Nanguna sa pag-aresto sa suspek sina P/Insp. Tirso Pascual, head ng Task Force Krislam, P/Insp. Rolando Dillera at P02 Michael Yambao kungsaan nasakote nila ang isang Mernie Sangginis, 26-anyos at residente ng Jacinto St., Poblacion ng bayang ito.

Nakuha mula sa posisyon ng salarin ang isang plastic heat sealed sachet na pinaniniwalaang shabu at P500.00 na marked Money.

Si Sangginis ay naaresto sa isang buybust operation ng mga otoridad habang magdedeliver sana ito ditto sa Kabacan.

Batay sa report, ang illegal na droga ay kinuha umano ng suspek sa Pagagawan, Datu Montawal sa Maguindanao at ibinabagsak sa mga bayan ng Kabacan, Matalam at Kidapawan City.

Sa ngayon inihahanda na ng Kabacan PNP ang kasong kakaharapin ng suspek na RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento