Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit sa 3Megawatts na supply ng kuryente kulang ng NPC/PSALM sa Cotelco dahilan ng mahabang brown-out sa service erya nito


(Kabacan, North Cotabato/ November 20, 2012) ---Umaabot sa mahigit sa 3 megawatts ang kakulangan ng supply ng kuryente sa Cotabato Electric Cooperative o cotelco Main dahilan ng mahabang brown-out na nararanasan sa mga service erya nito.

Ito ayon kay Cotelco General Manager Godofredo Homez, aniya ang kinokontrata ng cotelco mula sa NPC ay 19megawatts bawat buwan at dagdag na 8megawatts mula sa therma Marine Incorporated o TMI katumbas na 27megawatts para sa cotelco main.

Pero dahil sa krisis sa enerhiya at kakulangan ng mga planta para sa generation ng kuryente, 14 megawatts lamang ang naibibigay ng NPC/PSALM sa Cotelco bawat buwan, kaya may 3-4 megawatts na kulangsa supply ng kuryante.

Kaya ipinapatupad ng Cotelco ang load curtailment sa service erya nito dahilan ng 45 minutong brown out o kung minsan ay umaabot ng isang oras.

Kaya naman gumagawa na ngayon ng aksiyon ang gobyerno sa pamamagitan ng Department of Energy o DOE na tugunan ang problema sa krisis sa enerhiya kung di man tuluyang malutas ito.

Sinabi ng opisyal na sa pamamagitan ng Interim Mindanao Electric Market ay gagamitin ng mga malalaking establisiemento ang kanilang generator set sa tuwing peak hours kungsaan magbibigay naman ng dagdag na ayuda ang gobyerno sa mga pribadong kumpanya.

Ang hakbang na ito ay para din a mabawasan ng malaking kuryente ang grid at magagamit na ng mga kooperatiba.

Pero ang nasabing hakbang ay di pa rin masosolusyunan ang lumalalang krisis sa enerhiya, ayon kay Homez hangga’t walang bagong planta na maitatayo sa Mindanao. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento