Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Oplan Broadcastreeing, gagawin ngayong umaga sa Kabacan Terminal Complex

(Kabacan, North Cotabato/ September 17, 2013) ---Gagawin ngayong umaga ang Oplan Broadcastreeing ng mga kasapi ng mga Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas o KBP-Kabacan chapter DXVL Radyo ng Bayan sa pakikipagtulungan ng Municipal Environment and Natural Resources Office, Municipal Interior and Local Government Office at ng LGU Kabacan kasama ang USM-Devcom Department.

Ayon kay MENRO Officer Jerry Laoagan ang nasabing programa ay bahagi ng suporta nila sa National Greening program ng Pamahalaang National.

Ang nasabing aktibidad ay gagawin sa Kabacan Terminal Complex ganap na alas 10:00 ngayong umaga.

Kaagapay ng nasabing ahensiya ang himpilang DXVL Radyo ng Bayan sa nasabing aktibidad na una na ring programa ng KBP.

Ayon kay KBP President Herman Z. Basbaño, ang naturang programa na tinaguriang "Oplan Broadcastreeing" ay pagpapakita ng pagmamahal at pagtatanggol ng mga broadcasters sa kalikasan bilang mga "environmental warriors."

Bahagi ito ng pagiging aktibong tagasuporta ng mga broadcaster sa Executive Order 26 o National Greening Program ng pamahalaan na naglalayong makapagtanim ng 1.5 billion na puno sa 2016. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento