Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Pinatay sa Chainsaw operator, sangkot sa illegal na gawain

(Kabacan, North Cotabato/ September 17, 2013) ---Inaalam na ngayon ngmga otoridad ang anggulong may kinalaman sa illegal na aktibidad ng suspek na napatay sa pamamaril sa Purok Krislam, Kabacan kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ni P/Chief Insp. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang biktima na si Joel Noah Jr., chainsaw operator, may asawa at residente ng Upper Mundog Subdivision, Kidapawan City. 

Sa police report, si Noah ay nagtamo ng tama ng bala sa likuran ng katawan na tumagos sa dibdib.


Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, nabatid na ang biktima ay sinasabing sangkot sa pagtutulak ng iligal na droga at pagnanakaw ng motorsiklo.

Wala namang narekober na basyo ng bala ng baril sa crime scene habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Samantala sa Kidapawan City ---Inihayag ng Kidapawan City PNP na bumaba ang 35 porsyento ang bilang ng mga krimen na naitala sa Kidapawan City, simula buwan ng Hulyo.

Ito ay batay sa data na ipinirisinta ni city police director, Supt. Leo Ajero, sa City Peace and Order Council o CPOC meeting nitong Huwebes.Sa nasabing ulat, tumaas naman ng 39 porsyento ang crime solution efficiency ng PNP noong Hulyo at 54.16 percent nitong Agosto.

Nakapagtala din ng zero incident ang lungsod sa kasong homicide at cattle rustling mula Hulyo at Agosto bukod sa bumaba rin ang robbery at theft incident sa Kidapawan City.

Simula Hulyo – kung kelan pormal na naupo sa puwesto si Evangelista at si Ajero bilang chief of police -- abot sa 17 ang insidente ng kriminalidad sa lungsod, o 35 porsyentong higit na mas mababa kumpara noong Hunyo na nakapagtala ng 26 na crime incidents. (Rhoderick Benez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento