(Mlang, North Cotabato/ September 20, 2013)
---Patay na ng matagpuan ang isang 38-anyos na magsasaka na palutang-lutang sa
fishpond malapit sa kanilang bahay na nasa Purok 1, Poblacion B, Mlang, Nort
Cotabato alas 5:15 kahapon ng umaga.
Kinilala ni PSI Rollando Dillera, hepe ng
Mlang PNP kinilala ang biktima na si Frederick Lumbuan Apolinario, magsasaka at
residente ng nabanggit na lugar.
Batay sa inisyal na pagsisiyasat, lango
umano sa alak ang biktima kamakalawa ng gabi at huling nakita ito ng kanyang
ina na lumabas ng kanilang bahay para umihi dakong ala 1:00 ng madaling araw
kahapon.
Posible umanong dumiritso ang biktima sa
damuhang bahagi ng kanilang bakuran at di namalayang napadaku sa fishpond
dahilan para malunod ang biktima.
Dinala naman Cofreros Funeral Home ang mga
labi ng biktima at isinailalim sa autopsiya para alamin kung may foulplay sa
pagkamatay ni Apolinario. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento