(Pigcawayan, North
Cotabato/ September 20, 2013) ---Hinimok ngayon ng pamunuan ng Cotabato
Electric Cooperative o COTELCO-PPALMA ang mga bagong konsumante na gamitin sa
tama at produktibo ang serbisyo ng kuryente.
Ginawa ni COTELCO
Institutional Development and Services Division Chief Rolando Barrato ang
pahayag kasabay ng isinagawang turn- on ceremony sa Sitio Mangga, Barangay
Midapapan Uno, Pigcawayan, North Cotabato, kamakalawa, ito ayon sa report ni PPALMA
News Correspondent Roderick Rivera Bautista.
Sinabi ng opisyal na
ang pangunahing layunin ng rural electrification ay upang maisulong ang
industriyalisasyon sa mga kanayunan.
Aniya, kasama din sa
mithiing ito ang paghikayat sa produktibong paggamit ng kuryente kung saan
maari itong gawing kaagapay sa maliliit na negosyo ng mga konsumante.
Binigyang-diin din ng
opisyal na kailangang makipagtulungan ng mga konsumante sa energy conservation
efforts ng kooperatiba upang maibsan ang perwisyong dulot ng kakulangan ng
suplay ng kuryente sa service area ng Cotelco-PPALMA.
Samantala,
nagpapasalamat naman si Barangay Chairperson Arniel Pasaquian sa tanggapan ni
Rep. Jesus Sacdalan sa pagsisikap nitong matugunan ang matagal na nilang hiling
na serbisyo ng kuryente sa lugar.
Umaasa ang opisyal na
magkakaroon pa ng pagkakataon ang iba pang purok at sitio sa kanilang barangay
na nagnanais rin makinabang sa programang elektripikasyon ng pamahalaan. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento