Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

North Cotabato Provincial Government, maglulunsad ng jobs fair sa mga munisipyo

(Amas, Kidapawan City/ September 19, 2013) ---Matapos ang matagumpay na special recruitment at jobs fair na pinangunahan ng Provincial Government ng North Cotabato noong Agosto 20-22 kasabay ng Kalivungan Festival ay muling magsasagawa ng kahalintulad na aktibidad ang probinsiya.

Ayon kay Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza ang gagawing jobs fair ngayon ay di kagaya ng dati na iisang venue lamang, pero ngayon ito ay isasagawa sa ibat-ibang mga munisipyo ng lalawigan.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Human Resource and Management Office sa pakikipagtulungan ng kanilang partner agency na Concentrix isang callcenter sa Davao City.

Gagawin sa September 24 sa bayan ng Midsayap na gagawin sa ACC hall, September 25 sa Kabacan na gagawin sa Municipal Hall, September 26 sa Mlang na isasagawa sa Poblacion A Barangay Hall at September 27 sa President. Roxas sa Pres. Roxas Elementary School, ito ayon sa report ni Provincial government MEDIA Jimmy Santacruz.

Ang nasabing hakbang ay bilang tugon ng gobernador para mabigyan ng trabaho at opurtunidad ang maraming naghahanap ng trabaho.


Sa mga interesadong aplikante, mangyari lamang na magsadya sa PHRMO Office sa Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City o tumawag sa telepono bilang 064-278-7037. (Rhoderick Beñez)

0 comments:

Mag-post ng isang Komento